Ang gawain sa Brgy. Talolora, Palapag, Northern Samar ay nagpapatuloy. Labing lima (15) ang mga kaluluwa na regular na dumadalo tuwing araw ng Linggo. Mayroon na ring Prayer Meeting kung araw ng Huwebes. May mga kaluluwa na nakikita ang paglago sa kanilang pananampalataya.
Ang Bible Study sa Brgy. Paysud ay nahinto na tuwing araw ng Sabado sapagkat sila ay dumadalo sa Sunday Service at gayundin may nabuksang gawain sa Brgy. Natawo, tuwing Sabado ng hapon ang schedule. Sa nakaraang Bible Study namin doon ay 12 na kaluluwa ang nakinig ng salita ng Dios. Si Sis. Grace O. Potot ang nangunguna sa pag-aaral.
Salamat sa Panginoong Dios at sa paggabay ng Espiritu Santo. Patuloy nating idalangin ang tagumpay ng gawain sa lugar ng Samar.
Ang mga tumanggap ay ibig na magpabautismo sa darating na anibersaryo sa Mayo, loobin ng Dios.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment